Saturday, March 7, 2009

Missed you friend

Ano ba ang pamantayan para masabi mo na ang isang tao ay isang kaibigan? Isang simpleng tanong ngunit makahulugan. Ano nga ba? Naransan mo na bang magkaroon ng kaibigan na nakasama mo before then pinaghiwalay ng panahon at muling nagtagpo pagkalipas ng ilang taon? I had this friend na nakilala ko nuong 1997 at nakasama sa maikling panahon. Bagamat short span of time magaan ang feeling ko sa kanya kaya sa pakiwari ko sya sa akin ay isang kaibigan. Lumipas ang ilang taon at muling nagtapo ang landas namin …. Isang panhon na pareho kaming may problema, hindi kami nagkaroon ng chance na magkausap ng matagal dahil sa bilis ng pangyayari at may kanya kanya kaming suliranin na dapat harapin. Hangang muli ay nagkasama kami sa work at muli nanumbalik ang aming samahan. Madalas magkasama pag free time…. Konting inom, dinner , pasyal or sports. Isang sitwasyon ang nagpabago ng aming samahan…. Na hangang sa ngayon ay di ko pa alam ang tunay nyang dahilan. Magkita man kami ay cold naman syang makipag usap kaya mas nanaisin ko pang dina lang muna kami magkita. I’ve been thinking about it many times pero wala akong alam na ibang dahilan na maaring ikagalit nya sa akin. Isang insidenta lang ang alam ko, at sa aking palagay hindi naman ako ang dapat sisihin…. Masyado akong naging occupied ng mga pampamilyang problema kaya hinayaan ko na lang munang ganito ang aming sitwasyon. At ngayon ay handa ko ng harapin kung anu man ang aming indifference. Sa totoo lang I missed you friend…. Missed ko na ang bonding natin…. Alam ko nagkakasalubong tayo once in awhile pero gusto kong maayos at iaayos ang lahat. Hindi nawala ang respeto ko sayo bilang kaibigan alam kong kailangan lang nating mag usap. How about a bottle of beer tonight……

No comments:

Post a Comment